Welcome to PECOG Official Community Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Welcome to PECOG Official Community Forum

Welcome to PECOG Official Community Forum
 
HomeEventsFB PageFB GroupPublicationsLatest imagesRegisterLog in

Welcome to PECOG Community Forum! Princess Elizabeth Chosen One Global or PECOG is 100% free of charge in joining our group. A NON-PROFITABLE organization basically for a NOBLE CAUSE; which is separate from the government, a private, voluntary self-governing organization/group-cored for the welfare of all OFWS' and INDIGENTS as well.

 

 Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN

Go down 
AuthorMessage
Admin
WebMaster
WebMaster
Admin


Posts : 23
Join date : 2019-02-06

Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN Empty
PostSubject: Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN   Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN Icon_minitimeFri Feb 22, 2019 3:49 pm

Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN Screen13

Ika-9 Labas

Ipinagtapat na ni LTSG KING kay CAPT ROJANO ang tungkol sa ikatlong misyon: “FIND AND PROTECT THE PRINCESS” , bukod pa sa THE THIRD KINGDOM

Reynaldo Macabanting Grande’s 
HULING DIGMAAN
(Ang Paglaya ng Mundo sa Kamay ng Diyablo)

5-c KABANATA

“Kalayaan! Katuwiran! Katarungan! Katotohanan!” Bawa’t katagang isinisigaw ni CAPT ROJANO ay inuulit ng mga kasundaluhan.
“Mabuhay ang bagong Sandatahang Lakas ng Bayan!” Nakataas ang kanang kamay ni CAPT ROJANO na nakatikom ang mga palad.
“Mabuhay ang Republika ng Bagong Bayan!” Pagkatapos ng hiyawan at sigawan ay namayani ang katahimikan. Ilang saglit pa’y pumailanlang ang musika. Pumagitna sa stage ang sikat na mang-aawit na si Lea.
HULING DIGMAAN

I Ngayon sa pagsapit ng huling digmaan
Iyong paghandaan ang huling kalaban 
May kapangyarihang di mo nalalaman
Iyong kilalanin sa ‘yong katauhan
II Ang isip mo’t laman ay pagkasunduin 
Ang diwa mo’t puso ay pagkaisahin 
Upang sa pasiya na nais mong gawin 
Isang landas lamang ang ‘yong tatahakin

Tulay
Ang ‘yong katunggali sa huling digmaan
Ay ang kasamaang sa ‘yo’y tumatahan
Ang sariling nasa ay iyong pigilan
Nang di ka masilo ng katotohanan 
Koro Ang huling digmaan ay huling pagsubok
Sa ‘yong katapatan sa Naglalang na Diyos
Sa unawa’t bait ikaw ay pinuspos
Gawin mong sandata sa iyong pagkilos

Refrain Huwag mong sabihing ikaw’y tao lamang
Dahil nilalang kang espesyal na laman
Buhay na nagmula sa Hari ng Buhay
Sa huling digmaan, iyo ang tagumpay

Repeat Koro

Koda Ang huling digmaan, huwag katakutan
Linisin ang puso, ang diwa mo’t laman
Ang huling digmaan, simula ng buhay
Ikaw’y bagong binhi at bagong nilalang

Walang hindi lumuha ng luha ng tagumpay at kagalakan, kasabay ng paglabas ng iba’t-ibang kulay ng mga panyo na ipinapahid sa mga mukhang nadiligan ng luha ng kaligayahan.
Mahigpit na pakikikamay at yakap ang iginawad ng bawa’t isa sa mga katabi.
“Mabuhay ang Republika ng Bagong Bayan!” Sigaw uli ni CAPT ROJANO.
“Mabuhay ang Bagong Sandatahang Lakas ng Bayan!” Mula sa mga sundalo.
Muling nagsalita si GEN STA ANA, kasabay ng pagbubukas ng hawak-hawak na folder na galing kay LTSG KING. “Bilang kinikilala ninyong Chief of Staff, magmula sa oras na ito, inaatasan at itinatalaga ko si CAPT ROJANO na pamunuan ang Presidential Security GROUP (PSG) upang pangalagaan ang Palasyo at ang kaligtasan ng Pangulo ng bansa na ngayon ay nasa banta ng panganib sa kamay ng puwersa ng The Third Kingdom.”
Humugong ang mga bulung-bulungan. Hindi lang dahil sa pagkakatalaga ni CAPT MARLON ROJANO bilang pansamantalang pinuno ng PSG, kundi dahil sa pagpapatotoo ng Chief of Staff tungkol sa The Third Kingdom. 
Nagpatuloy GEN STA ANA.
“Ipinaaalam ko sa buong bayan na ngayong hatinggabi ay nakatakdang dukutin o i-asassinate ang Pangulo gayondin ang ilan sa mga pinuno ng pamahalaang ito, at ang ikagugulat pa ninyo, ang nakatakdang pag-assassinate sa Pangulo ay magaganap, sana, sa mismong Palasyo sapagka’t kumpirmadong ang ilan sa mga kagawad ng Presidential Security Group ang magsasagawa.”
Gulat na gulat ang lahat ng reporter, lalo na si Gretha. Walang binanggit sa kanya sina LTSG KING at CAPT ROJANO tungkol sa The Third Kingdom.
“Dahil dito, binibigyan ko ng karapatan at kapangyarihan si CAPT ROJANO na bumuo ng bagong Presidential Security Group, at isang bagong kumpanya na magsisilbing Presidential Security Unit o closed-in-security ng Pangulo. 
Sa totoo, pormalidad na lang ang mga ipinag-uutos ni GEN STA ANA sapagka’t ang lahat ay nakalatag at nakahanda na.
“Sa ganap na ika-labing dalawa ng hatinggabi ay ihahatid ang Pangulo sa Palasyo. Kasabay nito ay inaatasan ko ang lahat ng Presidential Security members na nasa highway na mapayapang sumama sa Kawal Power patungo dito sa loob ng kampo. The new Presidential Security Unit will take over.”
Sa kahabaan ng highway ay nakapila ang mga Security ng Pangulo na isa-isang isinusuko ang mga armas at inilalagak sa nakatalagang mga six-by-six trucks.
“Inaatasan ko ang lahat ng military personnel na naka-Detail o naka-Detached Service (DS) sa lahat ng sangay ng pamahalaan, maging yaong mga itinalagang security sa mga Senador, Congressman, Gobernador, Mayor at kilalang mga tao sa lipunan upang mag-report sa kani-kanilang mother unit for accounting purposes. Binibigyan ko kayo ng dalawampu at apat na oras, magmula ngayong hatinggabi upang tumalima sa aking utos. Ang sinumang hindi sumunod ay idedeklara kong kalaban ng bagong Sandatahang Lakas ng Bayan.”
Wala man lamang hugong ng mga boses o kaluskos na maririnig sa buong kapaligiran. Patuloy sa pagsasalita si GEN STA ANA. 
“Nananawagan at nakikiusap ako sa lahat ng mga kababayang nasa mga kabundukan, at sa iba pang tinataguriang makakaliwang elemento na magsibaba na at magsiuwi na sa kani-kanilang pamilya. Binibigyan ko kayo ng dalawampu at apat na oras, magmula ngayong hatinggabi upang magsalong ng mga sandata sa pinakamalapit na military installation. Wala na kayong dahilan at katuwiran upang manatili pa sa mga kabundukan. Ipinangangako ko, magmula sa mga oras na ito, wala nang pulitiko o pinuno ng bayang ito na mang-aapi pa sa atin. Puputulin ng Bagong Sandatahang Lakas ang pagiging gahaman at pagiging ganid nila sa salapi ng bayan at sa kapangyarihan. Huwag na tayong pagamit sa katusuhan ng mga pulitiko at/o mga pinuno na wala nang inisip kundi ang sariling kapakanan. Inaatasan ko ang lahat ng Detachment at Field Commanders sa buong kapuluan na itigil na ang mga opensiba at operasyong militar, subali’t ang sinomang mananatili sa mga kabundukan, pagkatapos ng dalawampu at apat na oras ay magiging kalaban ng pamahalaan at ng militar. Ang iba pang mga kautusan ay aking ipahahayag sa lalong madaling panahon para sa pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran ng buong sambayanan, kabilang na rito ang mabilis na pag-usad at paglilinis ng lahat ng nakabinbing mga kaso sa Korte Suprema hanggang sa kababababaang mga Tanggapang Pangkatarungan, nguni’t tiyakin lamang na ang mga may sala lamang ang parurusahan. Dapat umiral ang totoo at pantay-pantay na hustisya.”
Nakikiramdam ang lahat. Hinihintay ang sasabihin ni GEN STA ANA tungkol sa muling pagpanday at pagbabalik ng bahay na kanyang giniba.
Naramdaman ni Gretha na iyon na ang huling pangungusap ni GEN STA ANA kaya dali-dali siyang lumapit upang makapanayam ang Heneral. Sumabay sa kanya ang iba pang mga reporter.
“S-sir…GEN STA ANA, sir…” Pilit na sumiksik si Gretha sa nakapalibot na mga security.
“Yes, Miss Manalang.” Masigla at magalang na ngiti ang iginawad ni GEN STA ANA sa magandang newscaster at broadcaster.
“Kung tutuusin, at kung inyong nanaisin, sir, ay kayo na ang bagong Commander In-Chief ng Sandatahang Lakas ng Bayan, bakit…?”
Hindi na pinatapos ni GEN STA ANA ang karugtong na sasabihin ni Gretha.
“Tatlong makasaysayang People Power na ang sinasabing matagumpay na nagpatalsik sa dalawang naging pangulo ng bansa na ang nilayon at hinangad ay kalayaan daw at kaunlaran. Subali’t ang naging kulay ng kalayaan ay ang lalo pang pagkabilanggo ng buong bayan sa kamay ng mga ganid na mga pinuno, at ang kaunlaran ay naging lalo pang pagdarahop. Kapag kailangan ang pondo para sa mahalagang mga proyekto ay palagi na lang sinasabing walang budget. Palagi na lang BAD YET. Iyon pala’y ibinubulsa ng mga walang konsiyensiyang mga pinuno ng bayan.”
Namumula ang mga mata ni GEN STA ANA na wari’y may gustong tumagisdis na mga luha.
“Nguni’t kung ating babalikan ang mga pangyayari, kung hindi dahil sa partisipasyon ng militar, sa palagay kaya ninyo ay magtatagumpay ang taong-bayan?”
Nagbuntong-hininga muna si GEN STA ANA. “Ngayon ay pinatunayan ng mga kawal ng Sandatahang Lakas ang sarili nitong lakas at kapangyarihan. At heto, nagtagumpay, at ako’y nagpapasalamat sa kanilang pagkilala pa rin sa akin. Bilang Chief of Staff, nais kong ituwid ang mga pagkakamali noon. Nais kong mabago ang kasaysayang nagpahirap at nagpagulo sa mga mamamayan ng ating bayan. Kaya nga, walang military take over. Hindi ko gagamitin at sasamantalahin ang pagkakataong ito upang mang-agaw ng kapangyarihan. Mananatili ang sinasabing ‘civilian authority is sumpreme over the military’.”
“Iyan po ba ang ibig ninyong sabihin sa pagpapanday at muling pagbabalik ng bahay na inyong giniba?” Tanong ng isang reporter.
“Mananatili pa rin po ba sa puwesto ang Pangulo ng bansa, pati na ang mga pinunong inihalal ng bayan?” Tanong ng isa pang reporter.
“Oo. Sila’y inihalal ng mga mamamayan upang maglingkod at magsilbi sa mga nasasakupan nila. Walang karapatan ang militar upang paalisin o patalsikin sila sa kanilang mga puwesto.”
“Sa tingin kaya ninyo ay magkakaroon na ng mga pagbabago?” Isa pa uling reporter.
“Hindi pagbabago ang hinahangad naming mangyari. Sapagka’t dahil sa pagbabago ay nabago ang kahulugan ng pulitika sa ating bayan. Marami nang sinira at winasak ang pagbabago. Ang nais ng Kawal Power ay RESTORATION, o ang pagpapanumbalik ng pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran. Maraming dapat i-repair o ayusin bago mangyari ang pagbabago. Sabay-sabay tayong lumingon sa nakaraan upang marating natin ang patutunguhan.” 
“Ano po ngayon ang mahalagang papel na gagampanan ng Bagong Sandatahang Lakas ng Bayan?” Tanong ni Gretha.
“Kaming mga militar ay sinanay at hinubog sa karunungan at kaalamang pang-militar. Ang aming tungkulin ay upang panatilihin ang kapayapaan sa buong kapuluan at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.”
“Kung pananatilihin ninyo sa puwesto ang lahat ng mga pinunong halal ng bayan, paano po ninyo masusugpo ang mga katiwalian nila?” Follow-up question ni Gretha.
“Babantayan at pangangalagaan namin ang bayan mula sa matatalim na ngipin ng dambuhalang mga buwaya, gayon din sa matutulis na kuko ng mga buwitre. Kung mayro’n pang ibang hayop na sasalakay ay masusunog ng “pulbura” ng katuwiran, katarungan at katotohanan ang kanilang mga katawan.”
“Ano po ang ibig ninyong sabihin, sir?” Isa pang reporter.
“Dito na iiral ang batas ng militar. Nguni’t upang hindi ito mangyari, magtatalaga ako ng mga sibilyan na kasapi ng Kawal Power sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang manmanan at bantayan ang lahat ng mga pinuno at mga kawani upang makatiyak ang buong bayan na wala nang magiging katiwalian.”
“Totoo po ba na binigyan lamang kayo ng Pangulo ng labing dalawang oras upang lisanin ang inyong puwesto bilang Chief of Staff?” Isa pang reporter.
“Ang nakalipas ay nakalipas na. Ang kahapong may karamdaman ay nalulunasan na. Harapin natin ang bukas upang makamtan ang minimithing pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran, subali’t kailangan muna nating mapagtagumpayan ang pakikipaglaban sa lakas at kapangyarihan ng The Third Kingdom. Sapagka’t ang isang bahay na giba ay katulad ng isang pamahalaan na sira, na hindi maaaring panahanan upang masilungan. Ang mga mamamayang nagkakawatak-watak ng isipan at damdamin ay walang pag-asang magwagi sa anomang labanan o tunggalian.”
Napapatulala ang mga reporter sa mga pahayag ni GEN STA ANA.
“E, s-sir, b-bakit tila yata napakabilis ng inyong desisyon na pababain mula sa mga kabundukan ang mga grupong kalaban ng pamahalaan na parang walang nangyari? Hindi po ba’t napakarami nilang kasong paglabag at pagpatay?” Isa pang reporter.
“May mga dahilan kung bakit sila nag-rebelde at namundok. Sila’y mga biktima lamang ng panahon at pagkakataon. Kung tutuusin ay mas maraming kasalanang dapat panagutan ang maraming pinuno ng bansang ito. Kung hindi dahil sa kanilang katiwalian at kawalang-hiyaan ay walang mamumundok na mga kababayan. Masakit mang sabihin at aminin, kung walang pulitikong sumusuporta sa ilang grupo ng mga rebelde ay hindi magiging ganito ang sitwasyon sa ating bayan, kaya’t ito ang mahigpit na babantayan ng Bagong Sandatahang Lakas ng Bayan.”
“Sa dami ng mga napatay, mga napugutan at iba pang mga krimen na gawa ng mga rebelde at mga grupong kalaban ng pamahalaan, sino po ang mananagot at sasagot…?” Tanong pa ng isang reporter.
“Alam kong napakasakit damhin sa puso at isip ng mga kaanak at/o mga mahal sa buhay ng mga biktima na tila wala silang napalang katarungan sa mga nangyari sa kanila. Nguni’t kailangan ang malawak at malalim na pang-unawa. Kailangan ang tapat na pagtanggap sa masakit na katotohanang ito, sapagka’t kung hindi natin ito gagawin ngayon, kailan pa? Kung hindi natin ito sisimulan ngayon, magpapaikut-ikot at magpapabalik-balik lamang ang mga problema—at kung magkagayon, ilan pa ang mga buhay na titimbuwang dahil sa walang tigil na mga gantihan? Sapagka’t paglipas ng lahing ito, mamanahin ng susunod na henerasyon ang mga kamalian at mga kasamaang iginuhit at isinulat ng mga kasaysayan. Ito ang huwag nating hayaang mangyari.”
Natahimik ang lahat ng mga reporter. Nagpatuloy si GEN STA ANA.
“Tanggapin natin ang katotohanan, na sa bawa’t pagtutuwid at pagtatama ng mga kalikuan at kamalian ay laging may dugo ng mga buhay na naiaalay at naididilig sa uhaw at makasalanang lupa.” 
Katahimikan. Wala nang nagtanong pa.
Pagkatapos ng panayam ay pinangunahan ni GEN STA ANA na lapitan ang grupo ni CAPT MARLON ROJANO upang personal na batiin at kamayan. Nagbigay din ito ng mga instruction.
Pagkatapos ng pagbati at pakikikamay ni GEN STA ANA ay agad na dumayal sa kanyang cellphone si CAPT ROJANO kay LTSG KING. “Maraming salamat, Mistah. Tama at totoo ang mga sinabi mo.” Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni CAPT ROJANO.
“Ngayon ay mababantayan mo na nang husto ang lahat ng kilos at galaw ng Pangulo. Congratulations, padre.” Masigla ang boses ni Rexter sa kabilang linya.
“Pero, bakit ayaw mo pang magpakilala, padre. Na-gi-guilty ako. Dahil sa totoo, ikaw talaga ang sinunod namin. Ikaw ang nagpasimuno ng Kawal Power.”
“Hindi pa panahon, Mistah. Marami kaming napag-usapan ni Chief of Staff. May mahalaga at mabigat akong misyon na gagampanan. Hindi madaling kalaban ang The Third Kingdom. At hindi lamang ang The Third Kingdom ang huling misyon, dapat mo ring malaman na mayroon pang isang napakahalagang misyon na magbabangon sa lahat ng mga bansa sa daigdig mula sa kahirapan at kaguluhan.”
“A-ano ang ibig mong sabihin, Mistah?” Naintriga nang husto si CAPT ROJANO.
“May isang PRINSESANG nawawala. Kailangan siyang makita. Nasa kanya ang susi ni HARING SALOMON. Siya ang MAGBUBUKAS NG AT MAGPAPALABAS NG KAYAMANAN NG MUNDO.”
“Naguguluhan ako, Mistah.” 
“Isa sa mga araw na ito ay magkakaroon ng secret meeting. Kasama ka, Mistah. Naka-aasign sa ating Mistah na si CAPT BALTAZAR ang misyon, pero kailangan natin siyang tulungan.”
“Anong misyon ito, Mistah?” Tanong ng nananabik na si CAPT ROJANO.
“FIND AND PROTECT THE PRINCESS”—Sagot ni LTSG KING.
“S-sige, Mistah. Hihintayin ko ang sinasabi mong araw ng secret meeting. Mag-ingat ka. Narito lang ako kung kailangan mo.”
“Lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan, ikaw na ngayon ang bagong Presidente ng bansang ito, Mistah. Hindi mawawala sa iyong paningin ang Pangulo, at hindi malilingid sa iyong kaalaman ang 
bawa’t gawang kanyang gagawin. Higit pa sa gusto mong mangyari ang kinalalagyan mo ngayon.” Pabiro nguni’t malamang pangungusap ni LTSG KING. 
“Maraming salamat, Mistah. Gagawin ko ang lahat para mabura na sa talaan ng mga isipan ng ating mga kababayan ang nagdaang mga katiwalian ng maruming pamahalaan.” 
ITUTULOY
Posted: 27 August 2018/09 February 2019

See Translation
https://www.facebook.com/groups/ofwprincess/permalink/2251621535106462/

farao king queen  jocolor  afro
Back to top Go down
https://pecog.forumotion.com
 
Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Ika-5 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-6 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN
» UNANG LABAS - SYNOPSIS

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Welcome to PECOG Official Community Forum :: Wealth of The Nations Section :: SUNEP - Spiritual Unifier Neutralizer Equalizer Purifier-
Jump to: