Welcome to PECOG Official Community Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Welcome to PECOG Official Community Forum

Welcome to PECOG Official Community Forum
 
HomeEventsFB PageFB GroupPublicationsLatest imagesRegisterLog in

Welcome to PECOG Community Forum! Princess Elizabeth Chosen One Global or PECOG is 100% free of charge in joining our group. A NON-PROFITABLE organization basically for a NOBLE CAUSE; which is separate from the government, a private, voluntary self-governing organization/group-cored for the welfare of all OFWS' and INDIGENTS as well.

 

 Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN

Go down 
AuthorMessage
Admin
WebMaster
WebMaster
Admin


Posts : 23
Join date : 2019-02-06

Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN Empty
PostSubject: Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN   Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN Icon_minitimeFri Feb 22, 2019 3:24 pm

Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN Screen13

Ika-7 Labas

Sa tulong ng QUAD MEDIA (Print, Radio, TV at Social Media), nagtagumpay ang KAWAL POWER sa pagpapabagsak sa gobyerno sa pamamagitan ng Political, Psychological at Spiritual Warfare; walang dugong dumanak

Reynaldo Macabanting Grande’s
HULING DIGMAAN
(Ang Paglaya ng Mundo sa Kamay ng Diyablo)


Ika-5-a Kabanata

1600Hrs. Office of the Secretary of National Defense.
Hindi mapakali si Defense Secretary Lamberto Amran. Nasa labas ng kanyang upisina ang mga miyembro ng Defense Press Corps at Foreign Press.
Isang oras na lang ay magaganap na ang pagharap sa Media ng limang opisyales na kasama sana sa binabalak na pag-aaklas ng Magdayao Group. Sila ang tinutukoy ni LTSG KING na mga kumanta at naghudas sa SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION na nasa custody ni Secretary Amran, na pinamumunuan ni CAPT ERIC GAMBON. Kasama sa planong sorpresang ihaharap sa Media ang grupo ni CAPT ROJANO, na ayon sa kumalat na mga balita ay nasa custody na ng Intelligence Service ng SLB.
1630Hrs
Kausap ni Secretary Amran sa kanyang cellphone si GEN STA ANA. “What’s happening, Vic? Hindi ba dapat nandito ka na sa aking office together with CAPT ROJANO and his group?”
“We have a big problem, Bert.” Mahina lang ang boses ni GEN STA ANA. “May mga nangyayaring hindi maganda. I was trying to get GEN MILAN since two hours ago. Lahat ng inutusan ko sa kanyang office ay hindi na bumabalik para mag-report sa akin.”
“W-what do you mean, Vic?” Iba na ang tono ng boses ni Secretary Amran. Magkahalong galit, pag-aalala at pagkabahala.
“Pakiramdam ko’y kontrolado na ng grupo ni Rojano ang buong kampo, pati na ang mga operator sa switchboard.” 
“O-oo nga. Kaninang umaga pa ako walang incoming calls sa land lines.” 
“Sa buong kampo, Bert.” Pagkumpirma ni GEN STA ANA.
“What--what do you think, Vic? The President is waiting for my call. Nandito na ang grupo ni CAPT GAMBON. Inaasahan n’yang sabay nating ihaharap sa Media si CAPT GAMBON at CAPT ROJANO.” Matinding nerbiyus na ang nararamdaman ni Secretary Amran.
“I suggest, Bert, ituloy mo lang ang appearance ni CAPT GAMBON at mga kasama niya. I’ll try hard to get GEN MILAN.” Puno rin ng pag-aalala ang boses ni GEN STA STA.
Office of the President.
Kausap ng presidente sa kanyang cellphone si Secretary Amran. “Son of a bitch, Bert!” Nanginginig ang boses ng Presidente sa galit. “Akala ko ba ayos na ang lahat. Hindi ba’t nasa custody ni GEN MILAN ang grupo ni Rojano? Alam na ba ito ng Media?”
“H-hindi, Mr. President. Ang grupo lang ni CAPT GAMBON ang alam nilang ihaharap natin.”
“Ano’ng ginagawa ni GEN STA ANA?” Halos mabingi si Secretary Amran sa lakas ng dating ng boses ng Presidente.
“He is trying his best to get GEN MILAN.
“Okay, ituloy mo ang grupo ni CAPT GAMBON. The group of CAPT ROJANO to follow. Iyan ang iparating mo sa MEDIA.”
Lambot na lambot si Secretary Amran. Walang malay isipin at gawin. Tagilid ang lagay niya sa Presidente.
1645Hrs. Office of the Chief of Staff.
Nag-iisa sa kanyang upisina si GEN STA ANA. May kausap sa kanyang cell phone. “What!” Pagkagulat, pagkabigla at pagtataka ang lumarawan sa kanyang mukha. “S-sige, darating ako. Maraming salamat sa impormasyon at pahatid-imbitasyon, Miss Manalang.” Ang TV Host at Newscaster na si Gretha Manalang ang kausap ni GEN STA ANA.
Pagka-off ng kanyang cellphone ay agad na dinukwang ni GEN STA ANA ang telepono. Nagbaka-sakali. Dumayal. Agad namang may sumagot sa numerong tinawagan.
“Carling, ano na ang nangyari sa ‘yo? Sa Magdayao Group? Bakit nagkaganito?” Naninigas ang mga bagang ni GEN STA ANA sa pagpipigil ng galit. Si GEN CARLOS MILAN ang kausap, ang Chief ng Intelligence Service ng SLB.
“H-hindi ko rin alam, Vic. Nagtiwala ako sa aking mga tauhan. Kampante akong fully secured na ang Grupo ni Rojano. Pero pagdating ko rito sa office kaninang umaga ay ako ang kanilang ikinulong sa kuwarto ko. Itong linya ko, hinayaan nilang open pero naka-monitor sila. At itong pag-uusap natin naririnig nila.”
Hindi na nagsalita si GEN STA ANA. Nagpatuloy sa pagsasalita si GEN MILAN.
“I’m sorry, Vic. Hindi ko na alam ang nangyayari sa labas. Hinahatdan ng lang ako ng pagkain dito sa kuwarto ko. Please do something, Vic. I need…” Hindi na natapos ni GEN MILAN ang sasabihin. Biglang naputol o pinutol ang kanyang linya?
Pabagsak na ibinaba ni GEN STA ANA ang handset ng telepono. 
Samantala, sa Grand Stand at Parade Ground, kung saan naroon pa rin ang mga sundalo na naka-standby lamang ay abalang-abala at nagmamadali sa pag-install ng mga camera ang crew ng Ultimate 
News Channel (UNC) na pinangangasiwaan ni Gretha Manalang, na, sa mga kilos at galaw nito at ng kanyang crew ay tila may mas malaking event na magaganap na hindi pa nalalaman ng Presidente at ng Secretary of National Defense, liban kay GEN STA ANA dahil tinawagan ni Gretha Manalang.
1700Hrs
Humarap na nga sa Media ang limang opisyales ng Magdayao Group. Idineklara ang kanilang pagsuko sa pamahalaan sa pamamagitan ng Secretary of National Defense. Kinumpirma nila na sila’y kasama sa SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION na pinamumunuan ni CAPT MARLON ROJANO. Ibinulgar din nila na mamayang alas diyes ng gabi na isasagawa ang pagkilos laban sa administrasyon.
Buong pagmamalaking ipinangalandakan ni Secretary Amran sa buong bayan ang tagumpay daw ng administrasyon sa pagpapasuko sa mga opisyales ng Magdayao Group.
Umalingaw-ngaw sa mga radyo at telebisyon ang mga balita hinggil sa pangyayaring ito nguni’t umabot na sa kaalaman ng mga mamamayan ang tungkol sa grupo na pinamumunuan ni CAPT MARLON ROJANO na hindi nakasama sa pagharap sa Media, na ngayon nga’y itinatanong at hinahanap nila.
Nasa screen ng telebisyon ang Pangulo.
“…nagpapatunay lamang po na buhay na buhay at matatag pa rin ang Republika. Ito’y isa na namang leksiyon para sa mga kasundaluhan na nagbabalak na pabagsakin ang aking administrasyon. Titiyakin ko po sa inyo, mga kababayan, na, sa lalong madaling panahon ay ako mismo ang maghaharap sa inyo sa mga lider at mga tauhan ng Magdayao Group na pinamumunuan ni CAPT MARLON ROJANO upang papanagutin sa batas.”
1715Hrs
Samantala, sa kanyang upisina, kausap ni GEN STA ANA sa telepono ang Presidente.
“I am very sorry, Mr. President, sir. Hindi ko gusto ang mga nangyayaring ito. Hindi na ako makalabas sa building. Kontrolado na ng Magdayao Group ang buong kampo. Guwardiyado nila ako.” Butil-butil na pawis ang lumalabas mula noo hanggang mukha ni GEN STA ANA.
“Sampung dipa lang ang layo ng office ni Secretary Amran sa kinaroroonan mo, GEN STA ANA. Huwag mong sabihing kontrolado na rin ng Magdayao Group ang building ng National Defense. At bakit natuloy ang pagharap sa Media ng mga nag-defect na Magdayao Officers?”
“Sa tingin ko’y hinayaan talaga nilang matuloy ang appearance ng nag-defect nilang mga kasamahan as part of their Psy War, Mr. President, sir.”
“Isang malaking kagaguhan, katangahan at kapabayaan. Kahihiyan ito para sa akin, GEN STA ANA. Marami ka nang atraso. I cannot afford to have a Chief of Staff like you. I think you have to clear your desk as soon as possible. I am giving you twelve hours to vacate your post. I am sorry.”
“But, Mr. President.” Pahabol ni GEN STA ANA. “Katatawag lang sa akin ni Miss Gretha Manalang of the UNC. She informed me that CAPT ROJANO and his group will be at the Parade Ground at exactly 1800Hrs to peacefully surrender to me.” Mabuti’t hindi pa nawawala sa linya ang Presidente.
“W-what? Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi mo, GEN STA ANA.”
“We still have forty five minutes, Mr. President, sir. I will be at the Grand Stand before the scheduled time. I have already informed Secretary Amran through my Vice Chief of Staff. You still have time to come, Mr. President, sir.”
“You have just mentioned na kontrolado na ng Magdayao Group ang kampo, at ngayon pinapupunta mo ako riyan? You are talking non-sense, GEN STA ANA.”
Wala na sa linya ang Presidente. Gulo na ang isipan ni GEN STA ANA. Nakasilip ng magandang butas at dahilan ang Presidente para masibak na siya sa puwesto. Ikatutuwa ba ito o ikalulungkot ng kanyang pamilya ?
1745Hrs. Camp Gen. Pedro Liwanag Grand Stand and Parade Ground.
Nagkulay fatigue ang Parade Ground sa dami at kapal ng mga sundalong nag-ipun-ipon na pawang naka full battle gear. Sa isang bahagi ng stage ng Grand Stand ay naka-puwesto na si Miss Manalang at naghahanda para sa kanyang pag-uulat. Ekslusibo, dahil wala pang ibang TV Network at media personalities na naroroon. Tila siya lang talaga ang kinausap o naanyayahan ng Magdayao Group para mag-cover.
Nasa TV screen na rin ang UNC Multi Awarded TV Newscaster/Anchor/Host sa kanyang programang ‘Head Shot’ na si Miss Klaren Davilania. “Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nasaksihan nating lahat ang pagharap sa Media ng limang opisyales na kumalas sa Magdayao Group na sumuko sa pamahalaan sa pamamagitan ni Secretary of National Defense, Lamberto Amran. Nguni’t may mas malaking balita na ihahatid sa buong sambayanan ang aming kasamang si Gretha na ngayon ay nasa loob ng Camp Gen. Pedro Liwanag..”
Isa-isa nang nagdadatingan ang members ng Defense Press Corps na ang mga mukha ay puno ng pagtataka at pagkagulat dahil ngayon lamang nila nalaman na may iba pa palang kaganapan sa Grand Stand at Parade Ground ng kampo.
Miss Klaren Davilania, UNC Studio.
“Mga kababayan, ilang sandali na lamang ay sabay-sabay nating masasaksihan ang pinaka-inaabangang sabayang pagsuko ng mga lider at miyembro ng Magdayao Group/SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION na pinamumunuan ni CAPT MARLON ROJANO. Para sa kumpletong detalye, pakinggan natin ang pag-uulat ng ating kasamang si Gretha Manalang.”
“Labing limang minuto na lamang, o sa ganap na ala sais ng gabi ay makikita na ng buong sambayanan ang mga lider ng Magdayao Group. Ang lihitimong SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION na pinamumunuan ni CAPT MARLON ROJANO na siyang personal na tumawag sa akin upang i-cover ang gagawin nilang sabayang pagsuko. Ang ibig sabihin, lahat ng kanilang kasapi o kakampi sa buong kapuluan ay sabay-sabay na susuko sa kani-kanilang Commanding Officers sa lahat ng Military Installations.”
Ikinamangha ng buong bayan ang inihatid na ulat ni Gretha. 
Nagsidatingan na rin ang crew ng iba pang TV Network na nagmamadaling mag-install ng kani-kanilang mga camera.
Tuloy sa kanyang pag-uulat si Gretha. “Kumpirmado pong darating ang Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Bayan sa katauhan ni GEN VICTOR STA ANA na personal kong kinontak, thirty minutes ago, sa kahilingan ni CAPT ROJANO. Inaasahan din ang pagdating ng Pangulo ng bansa anomang sandali mula ngayon.” 
Nag pause muna si Gretha. Dinukot ang nag-message alert na cell phone. May binasa sa LCD Screen. “A-at…at ang isa pang nakaka-shock na balita ay ang tungkol sa hugong na pagsibak kay GEN VICTOR STA ANA sa kanyang puwesto na kumakalat na sa social media at mga text messages. Labing dalawang oras lamang daw po ang ibinibigay sa kanya ng Presidente upang lisanin ang kanyang upisina. Kung ito ay totoo, nakalulungkot po. Kung ano ang dahilan ay malalaman natin mismo sa kanya. Manatili lamang po kayong nakatutok sa UNC.”
Eksaktong natapos ang pagsasalita ni Gretha nang magkaroon ng kumosyon sa Parade Ground na biglang luminis at nahawan. Nagpulasan at nagsipanakbuhan kasi ang mga kasundaluhan patungo sa direksiyon ng gate. Ang ilan ay nagsikalat sa iba’t-ibang bahagi ng malawak na kampo na tila mayroong labanang nangyayari dahil sa sunud-sunod na putok ng mga baril. Humugong ang makina ng mga tanke, six by six trucks, weapons carriers at mga sasakyan ng intelligence operatives bilang paghahanda.
Napilitang tumakbo si Gretha at ang kanyang mga camera man sa direksiyon, kung nasaan ang gate. Ilang sandali lang ay nag-flash na sa television screens ang mahabang convoy ng Pangulo sa harapan ng gate na pinipigil ng mga guwardiya sa pagpasok sa loob ng kampo.
Nahagip ng camera ang pag-uusap ng isang Army Captain na in-charge sa gate at ng head ng Presidential Security Unit na tila nagkakaroon ng pagtatalo o negosasyon. Walang makalapit na media personalities.
Ilang sandali pa uli ay napilitan o nagpasiyang umatras ang mga sasakyang kabilang sa convoy ng Pangulo, at saka lamang nakalapit si Gretha sa kapitan na In-Charge ng mga guwardiya sa gate.
“Ano po ang pangalan nila, sir?” Tanong ni Gretha.
“CAPTAIN RAFAEL BUENAVENTURA, po.” 
“Maaari po bang malaman kung bakit hindi ninyo pinapasok sa kampo ang convoy ng Pangulo at ang kanyang Security Unit, o ang Pangulo mismo?”
“Sinunod ko lang po ang instruction ng Magdayao Group.”
“A-ano po ang ibig ninyong sabihin, sir? Ano po ang instruction? Isa rin ba kayo sa Magdayao Group?” Pagtataka at pananabik na tanong ni Gretha dahil hindi nila ito napag-usapan ni CAPT ROJANO.
“ Ang instruction sa akin ay huwag papapasukin ang Pangulo at ang convoy niya.” Kampanteng sagot ni CAPT BUENAVENTURA.
“A-ano nga po ang dahilan, sir? At ‘yung tanong ko po kung isa rin kayo sa Magdayao Group.”
Hindi sinagot ni CAPT BUENAVENTURA ang mga tanong. Sa halip ay tumingin ito sa kanyang wrist watch, ganoon din si Gretha. Five minutes to six.
“Nandoon na po sa loob ang Grupo ni CAPT MARLON ROJANO. Sa kanya po ninyo malalaman ang lahat…” 
Takbo uli patungong Grand Stand ang team ni Gretha. Naroon na si GEN STA ANA, kasama ang mga Major Services Commander/Flag Officer In-Command ng Navy at ilang SLB Senior Officers na mga nakaupo na. Ang bawa’t isa’y hawak ang cellphone na nakadaite sa kanilang mga taynga, at ang ilan ay abala sa pagti-text. Pero kapuna-punang pinagbawalan sila ng mga sundalong nakapaligid sa kanila na gumamit ng cellphone. Tumuon na lamang ang kanilang mga mata sa portable TV Monitor ng UNC. 
Punung-puno ng kasundaluhan ang malawak na Parade Ground na pawang mga naka-parade rest in column formation, na magkakadikit ang mga katawan, na kahit yata karayom ay hindi makalalagos dahil wala man lamang puwang o siwang upang makita ang nasa likuran, na parang may itinatago o tinatakpan.
Kapansin-pansin ding nakapalibot ang mga sundalo sa mga opisyales na nasa stage ng Grand Stand, hindi bilang security nila kundi sila mismo ang guwardiyado. 
Eksaktong fifteen seconds to six, nakapuwesto na si Gretha. Balak sanang kapanayamin si GEN STA ANA nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nag-appear sa LCD Screen ang number ni CAPT ROJANO.
“Y-es, sir.” Punung-puno ng pananabik si Gretha. Agad na sumenyas sa kanyang crew para sa pagsisimula ng pambihira at nakaka-shock na palabas. 
Gumiling ang mga camera. Nagkanya-kanya nang pukol ng balita ang mga radio reporters sa kani-kanilang istasyon gayondin ang mga field reporters ng iba’t ibang TV Networks.
‘HEAD SHOT’. UNC Studio, Miss Klaren Davilania. 
“Segundo na lang po ang hinihintay natin at masasaksihan na ng buong mundo ang pagsuko ng

Magdayao Group o ng SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION na pinamumunuan ni CAPT MARLON ROJANO kay GEN VICTOR STA ANA.” Nakatutok naman ang mga mata ni Gretha sa kanyang relos at nagsimulang magbilang, ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, one.”
1800Hrs
Eksaktong ala sais ng gabi. Ang nagdidilim nang paligid ng Parade Ground ay biglang nagliwanag nang sabay-sabay na sumindi ang naglalakihang ilaw sa mga poste. Hindi ito ang dati o ang normal na liwanag, dahil maraming idinagdag na mga bombilya.
Gumalaw ang mga sundalo. Ang kaninang naka-column formation habang naka-parade rest ay naging line formation. Nahati sa dalawang bahagi, nguni’t may naiwang mga sundalo sa gitna, na tila labing dalawa o labing lima ka-tao. Sila pala ang nasa likuran na titanakpan ng mga katawan ng mga sundalong nasa unahang linya. Mga junior officers na kasama ni CAPT ROJANO sa pagkilos.
Bumaba mula sa Grand Stand si Gretha para pumunta sa Parade Ground. Tuluy-tuloy sa grupo ng mga sundalong nasa gitna ng formation na naka-full battle gear din at pawang naka helmet pa.
Pigil-hininga si GEN STA ANA at mga kasama nito sa stage, sapagka’t isa man sa kanila ay walang nakakaalam sa kasalukuyang nagaganap, kung ano ang susunod na mangyayari—at kung ano talaga ang balak ng grupo ni CAPT ROJANO.
Alam na alam at kilalang-kilala ni Gretha kung sino ang kakausapin sa nasa gitna ng formation. 
“Mga kababayan, ang mga sundalong nasa gitna ng formation ay ang mga opisyales ng Magdayao Group o SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION na pinamumunuan ni CAPT MARLON ROJANO.” Itinutok ni Gretha ang mikropono sa sinasabing CAPT ROJANO na naka-parade rest, gayondin ang lahat ng kanyang mga kasamahan.
“ Magandang gabi, sir.” Pagbibigay-pugay ni Gretha.
“Magandang gabi rin Miss Manalang at sa buong bayan. Maraming salamat sa pagpapaunlak ninyo sa aking paanyaya.” Six-footer din. Matikas ang pangangatawan at kagalang-galang pagmasdan dahil sa suot na Army fatigue uniform. 
Inalis ni CAPT ROJANO ang nakasaklob na helmet sa kanyang ulo, na sinabayan ng kanyang mga kasama. Lalong lumitaw o lumutang ang kaguwapuhan, na katulad ni LTSG KING ay mapapansin ang pagka-mahiyain at pagka-seryoso ng mukha.
“Noong una po ay ang pagsuko lamang ng Magdayao Group o ng SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION ang pinanabikan ng buong bayan. Nguni’t nang magkaroon ng kumosyon kanina

sa gate, at ng mga putukan sa ilang bahagi ng kampo ay umusbong ang napakaraming katanungan, lalo na ang tungkol sa pagharang ng mga guwardiya sa convoy ng Pangulo. Marami po ang nagtataka at nahiwagaan sa mga nangyayari na nangangailangan ng inyong paglilinaw, sir.” Pagsisimula ni Gretha.
“Sige po, sasagutin kong lahat ang inyong katanungan.” Nananatiling naka parade rest ang lahat ng kasundaluhan sa loob ng kampo, gayondin si CAPT ROJANO at mga kasama na nasa kanyang likuran.
“Laking pagtataka at pagkagulat ni SLB Chief of Staff GEN STA ANA nang ipaalam ko ang tungkol sa inyong paanyaya at pasabi na kayo’y susuko. Wala po ba kayong komunikasyon sa kanya bago ang mga pangyayaring ito?”
“Wala po. Liban doon sa pagtawag ninyo sa kanya na aking ipinakiusap,” Sagot ni CAPT ROJANO.
“P-paano po kayo nakapasok sa loob ng kampong ito na tila yata hindi namalayan ng pamahalaan at ng militar?” Tanong ni Gretha.
“Sa totoo po ay nahuli na kami kaninang madaling araw at inilagay sa custody ng Chief ng Intelligence, pero…pero…” Huminga nang malalim si CAPT ROJANO. “Dinaramdam kong hindi ko muna masasabi ang iba pang mga detalye, Miss Manalang.”
“Naiintindihan ko po. Pero paano po ninyo naging kakampi ang lahat ng sundalong narito, pati na ang mga humuli sa inyo, at ang mga kasundaluhan sa buong kapuluan?” Ipinasyal ni Gretha ang kanyang paningin sa buong palibot.
“Siguro po ay dahil umabot na sa sukdulan. Dumating na ang panahon upang kami ay magkaisa at kumilos laban sa mga katiwalian ng mga ganid na pinuno ng ating bayan, gayon din sa ilang pinuno ng Sandatahang Lakas na sumisira sa pangalan at karangalan naming maliliit na mga sundalo.” Humugong ang bulung-bulungan.
“Totoo po ba na ang Magdayao Group ang nagbigay ng order para huwag papasukin sa loob ng kampo ang Pangulo?” 
“Ako po ang nagbigay ng order.” Diretsong sagot ni CAPT ROJANO. 
Bakas sa mukha ni Gretha ang pagkagulat, sapagka’t lumilitaw na kontrolado na nga ng Magdayao Group ang buong kampo. Maliwanag din na ang mga guwardiya sa gate at ang lahat ng mga sundalong nasa Parade Ground ay kakampi na.
“S-samakatuwid ay nasa panig na ninyo ang lahat ng kasundaluhan sa loob ng kampong ito?” Tanong-paniniyak ni Gretha.
“Hindi lamang po ang mga sundalong naririto sa loob ng kampo, kundi sa lahat ng military

installation sa buong bansa. Kung may ilan mang hindi namin kakampi, sila po ay nasa kustodiya na namin. Sila ang mga naka-unipormeng anay sa Sandatahang Lakas ng Bayan. Sila ang mapapalad na mga anak ng diyablo na nagtatamasa sa mga biyaya at pribilehiyo na ibinibigay ng makapangyarihang mga pulitiko.” Malumanay ang boses ni CAPT ROJANO nguni’t madiin ang pagkakabigkas ng bawa’t kataga na tila bumabaon sa puso.
“A-ano po ang ibig ninyong sabihin, CAPT ROJANO, sir?” Pananabik na tanong ni Gretha.
“Ang lahat ng opisyales ng militar—Army, Navy, Air Force, gayondin ng Coast Guard, Marines at National Police na inaakala naming sangkot sa mga anomalya at mga katiwalian ay nasa kamay na namin upang papanagutin sa kasalanan nila sa bayan sa takdang panahon.”
“A-ano po ang dahilan ng pagpigil ninyo sa pagpasok ng Pangulo sa loob ng kampo?”
“Ayaw po naming maipit o madamay ang Pangulo sa engkwentro na nangyari kanina sa pagitan ng aming grupo at ng puwersang hindi namin kakampi. Pero wala na pong dapat alalahanin dahil lahat sila’y na dis-armahan na.”
“Saan at anong grupo nabibilang ang tinutukoy ninyo, sir?”
“Sila ang naghudas na mga Mistah namin, at mga kasamahan nila na sumuko kay Secretary Amran.”
Magkahalong pagkagulat, pagtataka at pananabik ang lumalarawan sa mga mukha ng mga opisyales na nasa Grand Stand sa pangunguna ni GEN STA ANA.
“Ilan po ang bilang ng Magdayao Group o ng SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION?” 
“Sa mga oras na ito ay nais naming hilingin na burahin na sa isipan ng buong bayan ang pangalang Magdayao Group at/o ang SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION. Ang nagaganap ngayon sa loob ng bakuran ng Sandatahang Lakas ng Bayan at sa buong kapuluan ay tinatawag naming Kawal Power.”
Pagkawika ni CAPT ROJANO ng mga katagang Kawal Power ay sabay-sabay na naghiyawan ang mga sundalo sa loob ng malawak na kampo.
“KAWAL POWER! KAWAL POWER! KAWAL POWER!”
Itinigil panandali ni Gretha ang pagtatanong kay CAPT ROJANO. Hinintay na matapos ang pagbubunyi ng mga mamamayan sa loob at sa labas ng kampo.
“Tuloy pa rin po ba ang sinasabi ninyong pagsuko sa Chief of Staff ng SLB?” Nagpatuloy ng pagtatanong si Gretha.
“Opo.” Sagot ni CAPT ROJANO.

“Ilan po ang bilang ng mga susuko?” Pananabik na tanong ni Gretha.
“Lahat po ng mga kasundaluhan sa buong kapuluan, liban sa nakatalagang mga security na kasama sa convoy ng Pangulo.” Paniniyak ni CAPT ROJANO.
Muling nagulat si Gretha na may kaakibat nang paghanga.
“Sa tingin po ba ninyo ay wala nang ibang puwersa ng military o National Police na maaaring ipadala ang Pangulo o ang Commander In-Chief para hulihin at papanagutin kayo sa batas?”
“Natitiyak naming wala na. Ang tanging nasa panig na lamang ng Pangulo ng bansang ito ay ang kanyang Presidential Security Unit na kasama niya ngayon.”
“Paano po ang isang batalyong Presidential Security Group o PSG na nasa Palasyo?”
“Halos lahat ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) sa Palasyo ay nasa panig na rin namin. May mga ilan na ang loyalty ay nasa Pangulo pa rin pero mga inihiwalay namin.”
Nanlalaki ang mga mata ni Gretha. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni CAPT ROJANO. “Paano po ninyo natitiyak na kakampi na ninyo ang halos lahat ng PSG ?”
“Sa mga oras na ito ay kontrolado na ng Kawal Power ang Palasyo. Ang convoy ng Pangulo ay nasa highway lamang. Hangga’t hindi ko pinahihintulutan na pumasok sa palasyo ay hindi sila makakapasok.”
Lalong nanlaki ang mga mata ni Gretha. Iba-ibang reaksiyon naman ang makikita sa mga mukha ng mga opisyal sa stage ng Grand Stand.
“Maaari na po bang sabihin na ang ginagawa ninyo ngayon ay Military take over, sir?”
“Hindi po, sapagka’t hindi ito ang solusyon sa mga problemang gusto naming lutasin.”
“Kung gayon, ano po talaga ang binabalak ninyong gawin. Sa nakikita ko ay kontroladong-kontrolado na ninyo ang buong bansa, pati na ang Palasyo, at ang gobyerno, sir. Bakit kailangan pa ninyong sumuko sa Chief of Staff?”
Napapatigagal lamang sa stage si GEN STA ANA at mga kasama nito. Alam nilang totoo ang sinasabi ni CAPT ROJANO na kontrolado na ng Kawal Power ang buong bansa dahil sa mga report na natatanggap nila kanina sa pamamagitan ng kanilang cellphone, gayondin, sa napapanood nila sa portable TV Monitor. Pero ang tungkol sa sinasabing “pagsuko”, tulad ni Gretha ay hindi rin nila naiintindihan.
“Ang susunod na mga kaganapan ay nakasalalay, at alinsunod sa kapasyahan ng aming Chief of Staff. Nasa likuran niya kami. Ang buong suporta at puwersa ng Kawal Power ay nasa kanya.

“Paano po kung sabihin ng Chief of Staff na ituloy ang Military Take Over?” 
“Tulad po ng aking sinabi, kung ano ang kapasyahan ng aming Chief of Staff ay nasa likuran niya kami.” Puno ng determinasyon ang tinig ni CAPT ROJANO.
Tila na-blanko si Gretha. Hindi na niya malaman kung ano ang isusunod na itatanong kay CAPT ROJANO. Inaamin niya sa kanyang sarili na isa lamang siyang reporter—Journalist. Hindi malawak ang nalalaman tungkol sa naririnig niyang Political at Psychological Warfare, na siya ngayon inaapply ni CAPT ROJANO.
“Sa nakikita at nararamdaman ko’y hindi literal na pagsuko ang inyong gagawin, sir. M-maaari po bang malinawan ang kahulugan ng sinasabi ninyong pagsuko?” 
Dumating na sa punto na kailangan nang maipaliwanag sa buong bayan kung ano ang ibig sabihin ng “pagsuko” na inaabangan ng lahat. 
Kusang iniabot ni Gretha ang mikropono kay CAPT ROJANO.
“ Tama po ang sinasabi ni Miss Gretha Manalang na ang sinasabi naming pagsuko ay hindi literal na pagsuko.”
Napangiti at napatango si Gretha. Tama kasi ang kanyang sapantaha at nararamdaman.
Nagpatuloy si CAPT ROJANO. “ Nais ko pong ipaalam sa buong bayan na ang sinasabi naming “pagsuko” ay pagsuko sa lahat ng mga anomalya, katiwalian, kasinungalingan, panloloko, pambubusabos, at kawalang-katarungan at katuwiran ng halos lahat ng mga pinuno ng bansang ito, halal man o hinirang. Suko na kami sa paggamit ng maraming maimpluwensiyang pulitiko sa militar para sa kanilang sariling interes at kapakinabangan. Suko na kami sa mga tunggalian na ang kalaban ay kapwa-kababayan dahil sa kagagawan ng walang konsiyensiyang mga pinuno ng pamahalaang ito. Para kaming mga manok na kanilang isinasabong. Para kaming mga robot na de-susi, na kanilang pinaglalaruan. Walang halaga sa kanila ang aming mga buhay at ang aming mga pamilya. Wala silang pakialam. Mga manhid sila.”
Iba-ibang reaksiyon at emosyon ang mababakas sa mukha ng mga nakaririnig sa mga sinabi ni CAPT ROJANO na makikita sa mga TV screen. 
“A-ano po, kung gayon, ang binabalak ninyo sa mga oras na ito, sir? At ano ang magiging papel ni GEN VICTOR STA ANA?” Tanong-pananabik ni Gretha.
“Gusto naming marinig ang kanyang paninindigan para sa buong Sandatahang Lakas ng Bayan. Gusto naming malaman kung ano ang kanyang magiging kapasyahan. Naniniwala at nagtitiwala kami sa kanyang katapatan, nguni’t kung siya ay tutulad sa nagdaang mga Chief of Staff na magiging sunud-sunuran lamang sa Presidente, mangyayari po ang sinasabi ninyong Military take over.” Madiin at matigas ang pagkakasalita ni CAPT ROJANO.
ITUTULOY
Posted: 25 August 2018/06 February 2019/07 February 2019

See Translation
https://www.facebook.com/groups/ofwprincess/permalink/2250479008554048/
farao king queen  jocolor  afro
Back to top Go down
https://pecog.forumotion.com
 
Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Ika-5 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-6 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN
» UNANG LABAS - SYNOPSIS

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Welcome to PECOG Official Community Forum :: Wealth of The Nations Section :: SUNEP - Spiritual Unifier Neutralizer Equalizer Purifier-
Jump to: