Welcome to PECOG Official Community Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Welcome to PECOG Official Community Forum

Welcome to PECOG Official Community Forum
 
HomeEventsFB PageFB GroupPublicationsLatest imagesRegisterLog in

Welcome to PECOG Community Forum! Princess Elizabeth Chosen One Global or PECOG is 100% free of charge in joining our group. A NON-PROFITABLE organization basically for a NOBLE CAUSE; which is separate from the government, a private, voluntary self-governing organization/group-cored for the welfare of all OFWS' and INDIGENTS as well.

 

 UNANG LABAS - SYNOPSIS

Go down 
AuthorMessage
Admin
WebMaster
WebMaster
Admin


Posts : 23
Join date : 2019-02-06

UNANG LABAS -  SYNOPSIS Empty
PostSubject: UNANG LABAS - SYNOPSIS   UNANG LABAS -  SYNOPSIS Icon_minitimeFri Feb 22, 2019 2:36 pm

UNANG LABAS -  SYNOPSIS Screen11 


PAGSALUBONG SA PAGDATING NI PRINCESS ELIZABETH THE CHOSEN ONE GLOBAL (PECOG)
===========================================================================
Marami ang nalito at naguluhan sa mga ipinoposte ko sa page ng PECOG dahil marami akong paksang tinatalakay. Sa kahilingan ng ADMIN at pamunuan ng PECOG, kailangan kong muling simulan sa UNANG LABAS ang nobela. Humihingi ako ng paumanhin. Mula ngayon ay ekslusibong sa page ng PECOG lamang lalabas ang nobelang HULING DIGMAAN (Ang Paglaya ng Mundo sa Kamay ng Diyablo). Produkto ng APATNAPU AT LIMANG TAONG (45 yrs) paghahanap, pananaliksik at pag-aaral, hindi sinasadyang matampok at matalakay sa istorya ang tungkol sa paghahanap sa isang nawawalang prinsesa na siyang diumano’y ang tanging makapagbubukas ng “kayamanan ng mundo” sa pamamagitan ng KING SOLOMON RING. Ang prinsesang ito ay tinagurian ding THE CHOSEN ONE.

Para patuloy po ninyong matunghayan ang KARUNUNGAN NG DIYOS SA HIWAGA (isa sa mga aklat na aking isinulat), at ang BREAKING BIBLE DISCOVERIES AND REVELATIONS, i-like lang po ang SUNEP. Salamat po.
==============================================================================

UNANG LABAS

Reynaldo Macabanting Grande’s 
HULING DIGMAAN
(Ang Paglaya Ng Mundo Sa Kamay Ng Diyablo)

SYNOPSIS

Dumating ang panahon ng “pagsuko”.

Hindi na nakayanan ng mga Junior Officers at ng mga kasundaluhan ng Sandatahang Lakas ng Bayan (SLB) ang bigat ng mga problemang dinadala at tinitiis ng kanilang mga puso na nagpapasikip sa kanilang dibdib, na tila gusto ng magpatigil sa pagdaloy ng dugo sa kanilang kalamnan, kaya pati na ang mga utak ay tila natuyuan na.

Mga anomalya at katiwalian. Mga kasinungalingan at mga pagkukunwari. Mga pang-aabuso at hindi makatuwirang paggamit ng kapangyarihan. Mga panlalait at kawalang-katarungan. Mga pagmamalabis, pagbabale-wala, hindi pagkilala at paggalang sa Saligang Batas ng Republika ng Bayan ng mga halal at hinirang na mga pinuno. Ang mga ito ang nagpahina sa kalakasan ng pagpipigil ng mga Kawal ng Bayan upang mag-aklas laban sa administrasyon ng pamahalaan, tanda ng “pagsuko” sa lahat ng mga ito.

Nagkaisa at nagkapit-bisig ang mga kagawad ng Sandatahang Lakas upang mabuo ang isang samahan na tinawag sa pangalang MAGDAYAO GROUP—SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION, na hindi naglaon ay naging isang Kawal Power na hayagan at lantarang pinamunuan ni CAPT MARLON ROJANO ng Army nguni’t sa mahigpit na pagpatnubay at buong suporta nina LTSG REXTER KING at CDR GREGORIO SALVADOR na kapwa nakatalaga sa Naval Intelligence.

Bagama’t iisa lang ang adhikain, sa pamamagitan ng tapang, gilas, lakas at mga armas ninais ni CAPT ROJANO (sana) isasagawa ang pag-aaklas, subali’t nakumbinsi siya ni LTSG KING na ipagpaliban ang nakatakdang pagkilos, at sa napagkasunduang araw at oras ay nagsanib ang kanilang puwersa.

Ginamit na behikulo nina LTSG KING at CDR SALVADOR ang tinatawag na Quad Media (Print, Radio, TV at Social Media) para lituhin ang administrasyon sa pamamagitan ng pag-uulat ng nakalilitong mga Intelligence Report, dahilan para masakop at ma-kontrol ng Magdayao Group-SLB Young Officers for Restoration ang Kampo at ang General Headquarters.

Nagtagumpay ang Kawal Power sa ginawang mapayapang pag-aaklas na ang bitbit na mga sandata’y Katuwiran, Katapatan, Katarungan at Katotohanan, na ang mga “balang” ikinarga sa mga armas ay tinawag nilang Psychological, Political at Spiritual Warfare. Gayonman, walang Military Takeover. Sa halip, iginalang nila ang gabay at patnubay na parirala: Civilian Authority is Supreme Over the Military. Na, sa halip na mang-agaw ng poder at kapangyarihan ay nanatili sa pagiging Kapanalig Ng Watawat At Lahi (KAWAL) na nagsilbing tunay at totoong tagapamayapa—naging “matalas” na mga mata at “matalim” na mga ngipin upang manmanan at bantayan ang lahat ng mga halal at hinirang na mga pinuno, upang sugpuin at patayin sa kanilang mga diwa at puso ang mga kasamaang nagpapahirap at nagpapagulo sa pamumuhay ng buong bayan.

Nguni’t sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating ang mas malakas at makapangyarihang organisasyon na ang pangalan ay The Third Kingdom na pinamumunuan ni Senador Vicente Santillan (na pagkatapos manumpa sa katungkulan ay hindi na nagpakita sa House of the Senate) bilang hari at tinatawag ding Kataas-taasang Punong-Sugo, na taglay ang mga karunungan at kaalaman ng makabagong siyensiya at teknolohiya, at may akda ng aklat na pinamagatan niyang Mga Lihim na Karunungan, na ang sinasambang diyos ay si UBAH, na siya ring DIYABLO at SATANAS.

Ang The Third Kingdom ay may mga kaalyado na sa maraming bansa, na dahil sa patuloy na pagdami ng kanilang mga kasapi, tinataya nilang ang buong mundo ay nasa KAMAY NG DIYABLO.
Wala nang silbi ang Psychological Warfare ng Sandatahang Lakas at ng pamahalaan. Naging inutil na rin sa paningin ng organisasyon ang magagaling, matatalino at tanyag na mga Religious Leader ng iba’t-ibang sekta, na sa kalaunan ay nakipagkaisa at sumanib sa The Third Kingdom upang kanilang ipagkanulo ang bayan at ang kani-kanilang mga samahan.

Binuo ng Sandatahang Lakas ng Bayan ang pinagsanib na lakas, tapang, gilas, galing at mga karunungan at kaalaman ng piling-piling (selected) mga alagad ng pamahalaan mula sa Navy, Air Force, Army, Bureau of Investigation at National Police, at sila’y tinaguriang The UNEP Force, na ang ibig sabihin ay:

U-nifier/niversal
N-eutralizer
E-qualizer
P-urifier /ower

…na pinanday, sinanay at hinubog sa mga karunungan at kaalamang espiritwal, bukod sa kanilang pagiging eksperto sa Martial Arts upang maipantapat sa mga kalaban, na ang naging pangunahing sandata ay ang KABURATA (na nakalarawan sa kabuuan ng istorya).

Upang maipakita at maipakilala ni Senador Santillan sa buong mundo ang kanyang karunungan, kapangyarihan at kayamanan, hinamon niya ang pamahalaan ng isang pagtutuos na tinawag niyang Huling Digmaan, na kanyang binahagi sa dalawa. Ang una ay ang Tournament. Mga Kingdom Fighters laban sa The UNEP Force, at ang ikalawa ay ang pagtutuos (debate); si CDR SALVADOR laban sa lahat ng pambato ng The Third Kingdom, kabilang na ang mga magagaling at sikat Religious Leader ng bansa.
Live telecast. Sinaksihan ng buong mundo ang pagtutuos sa Huling Digmaan.
Laman laban sa laman, at espiritwal laban sa espiritwal—at sa bandang huli ay nanaig ang katotohanan at ang kapangyarihan ng kaliwanagan laban sa kadiliman.

Nakamit ng sambayanan ang inadhika at pinangarap na pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran, at ang buong mundo ay lumaya mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kamay ng diyablo pagkatapos ng Huling Digmaan.

Kasabay nito ay ang pagputong ng korona sa tanging tagapagmanang PRINSESA pagkatapos na mapagtagumpayan ang pagbubukas ng “kayamanan ng mundo” sa pamamagitan ng KING SOLOMON RING. Ang Prinsesa ay tinagurian ding THE CHOSEN ONE.
#

Posted: 01 Pebrero 2019
https://www.facebook.com/groups/ofwprincess/permalink/2246228208979128/

lol!
Back to top Go down
https://pecog.forumotion.com
 
UNANG LABAS - SYNOPSIS
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Ika-5 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-6 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Welcome to PECOG Official Community Forum :: Wealth of The Nations Section :: SUNEP - Spiritual Unifier Neutralizer Equalizer Purifier-
Jump to: