Welcome to PECOG Official Community Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Welcome to PECOG Official Community Forum

Welcome to PECOG Official Community Forum
 
HomeEventsFB PageFB GroupPublicationsLatest imagesRegisterLog in

Welcome to PECOG Community Forum! Princess Elizabeth Chosen One Global or PECOG is 100% free of charge in joining our group. A NON-PROFITABLE organization basically for a NOBLE CAUSE; which is separate from the government, a private, voluntary self-governing organization/group-cored for the welfare of all OFWS' and INDIGENTS as well.

 

 Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN

Go down 
AuthorMessage
Admin
WebMaster
WebMaster
Admin


Posts : 23
Join date : 2019-02-06

Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN Empty
PostSubject: Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN   Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN Icon_minitimeFri Feb 22, 2019 3:31 pm

Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN Screen13

Ika-8 Labas
“Nais nilang itayo ang isang bagong Republika. Nais nilang pandayin ang isang Bagong Bansa. Nais nilang ang tiyan ng bawa’t mamamayan ay busog—na ang ibig lamang sabihin, para maganap ito, buburahin nila ang kurapsiyon sa puso at isip ng mga mamamahala sa gobyernong ito. Palalayain nila sa kamay ni Satanas ang bayan.”

Reynaldo Macabanting Grande’s
HULING DIGMAAN
(Ang Paglaya ng Mundo sa Kamay ng Diyablo)

5-b Kabanata

“Sa akin pong pag-analisa sa sitwasyon ngayon ay nagtagumpay na kayo sa pagpapabagsak sa administrasyong ito. Maliwanag na na-take over na ninyo ang pamahalaan. Sa tingin ko pa, kahit wala ang Chief of Staff o si GEN VICTOR STA ANA ay hawak na ng Kawal Power ang gobyernong ito.” Pagdidiin ni Gretha.
Hindi umimik si CAPT ROJANO. Nagpatuloy sa pagtatanong si Gretha.
“K-kung sakali po na mali o taliwas sa inyong inaasahan ang sinasabi ninyong paniniwala at pagtitiwala sa Chief of Staff—at yamang nasa kamay na ninyo ang pamahalaan ng bansa, mayroon po bang militar o sibilyan man na nasa likod ninyo na nais ninyong iluklok sa Palasyo upang pamunuan ang Sandatahang Lakas ng Bayan, ang gobyerno at ang mga mamamayan?” Pakiramdam ni Gretha ay nakawala na siya sa kalituhan.
“Wala po. Nguni’t kung mayroong indibidwal o grupong lulutang na ang layunin ay katulad ng sa amin, sila ang ituturing naming kapatid sa paniniwala. Susuporta kami. Subali’t kailangang patunayan nila na pareho ang aming adhikain.” Pagdidiin ni CAPT ROJANO.
“Mayro’n na ba kayong nakakausap na anomang grupo na maaaring magiging kaisa ninyo sa paniniwala?” Kitang-kita ang panginginig ng mikropono na nasa kamay ni Gretha dahil sa pananabik.
“Mayro’n na po.” Mariing sagot at paniniyak ni CAPT ROJANO.
“Maaari po bang malaman ng sambayanan kung ano o kung sino ang nasa grupong ito?”
“Nais nilang itayo ang isang bagong Republika. Nais nilang pandayin ang isang Bagong Bansa. Nais nilang ang tiyan ng bawa’t mamamayan ay busog—na ang ibig lamang sabihin, para maganap ito, buburahin nila ang kurapsiyon sa puso at isip ng mga mamamahala sa gobyernong ito. Palalayain nila sa kamay ni Satanas ang bayan.”
“Pasado po ba sila sa inyo? Tanong ni Gretha.
“Marami pa ang mangyayari mula sa araw na ito. Darating ang takdang panahon para riyan.”
“Mayro’n po ba kayong kasamahan sa Kawal Power na mas mataas ang ranggo kaysa sa inyo? At kung mayro’n, sino po sa kanila ang inyong kinikilala o kikilalanin?”
“Marami po, at lahat sila’y kinikilala at iginagalang namin. Nguni’t mayroon kaming kanya-kanyang tungkulin at katungkulan na nakaatang sa aming mga balikat.” Napatigil panandali at napatitig si Gretha kay CAPT ROJANO. Masyadong mahiwaga at makahulugan ang mga tinuran ng kapitan.
“Totoo po ba ang kumakalat na mga balita na may mga pulitiko na sumusuporta sa inyo? Isa po ba sa kanila ang gusto ninyong iluklok sa Palasyo?”
“Totoong marami sa kanila ang nag-alok ng tulong at suporta nguni’t hindi namin tinanggap, at ni isa man sa kanila’y wala kaming pipiliin upang mailuklok sa Palasyo.”
Nauubusan na ng itatanong si Gretha. Ang akala niya ay nakarating na siya sa nais niyang tumbukin. “K-kung gayon, wala na pong iba, kayo na nga po ang pinuno ng Kawal Power.”
“Hindi na po kami makararating sa puntong iyan. Ang mahalaga’y ang pagkakaisa ng aming mga damdamin at kaisipan para sa isang layunin, at ito ay ang pagpapanumbalik ng kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bansang ito.” 
Sapat na ang mga sinabi ni CAPT ROJANO upang ipalagay ni Gretha na siya na nga ang kinikilalang pinuno ng Kawal Power.
“M-maaari ko po bang ipalagay at sabihin na sa mga oras na ito ay isang CAPT ROJANO na ang may kontrol sa gobyerno ng bayang ito?” Parang may bumabara na kung ano sa lalamunan ni Gretha sa pag-ulit niya ng tanong. Nakikiramdam siya sa lahat ng mga sundalo sa buong kampo. Wala siyang marinig na ingay o bulung-bulungan man. Ng ingay ng pagtutol. Na ang ibig sabihin, kung ano ang iuutos ni CAPT ROJANO ay yaon ang kanilang susundin at gagawin. 
“By the way, CAPT ROJANO, dadalhin ko po muna kayo sa studio, mayroon pong mga katanungan ang ating anchor na si Klaren Davilania.”
“Magandang gabi po, CAPT ROJANO. Ang inyo pong tagumpay ay hindi na isang pangarap lamang kundi maliwanag na isang reyalidad. Hindi po kapani-paniwala na napabagsak ninyo ang administrasyong ito nang walang dumanak na dugo, liban sa nagkaroon lamang ng mga putukan kanina, na wala namang nadisgrasya. Ang gusto ko pong malaman ay magtatagumpay ba ang Kawal Power kung kayo lamang na mga sundalo ang kumilos at taktikang militar lang ang inaplay ninyo?”
“H-hindi po, Miss Klaren. Kung ang ginamit naming mga sandata ay mga baril at mga sandatang pumupuksa ng buhay, tiyak, na gayonding mga sandata ang gagamitin laban sa amin, lalo pa’t hindi sapat ang bilang namin kung ikukumpara sa bilang ng mga sundalong nasa ilalim ng kontrol ng pamahalaan, sapagka’t kung nangyari po ang gayon, tiyak na dadanak ang maraming dugo at marami sa hanay namin ang mamamatay.”
“Kung gayon, CAPT ROJANO, maaari po bang malaman kung anong paraan o taktika ang ginamit ninyo?”
“Katuwiran, Katapatan, Katarungan at Katotohanan. Ito po ang apat na sandata na aming ginamit.”
“Wow, napakaganda po, at inyong napatunayang napaka-epektibo ng inyong sandata. Pero paano ninyo ito naipadama sa inyong mga kasamahan? Sapagka’t ang Katuwiran ay kailangan nilang marinig. Ang Katapatan ay kailangan nilang mamalas. Ang Katarungan ay kailangan nilang matimbang, at ang Katotohanan ay kailangan nilang mapatunayan.” Masaya at inspirado si Miss Klaren.
“Maraming araw at mahabang oras po ang kinailangan namin upang maipadama at maipaunawa sa mga kasamahan namin ang mga ‘sandatang’ ito. Kinailangan po naming magkita-kita nang mukhaan. Kinailangang personal na magkarinigan, kaya nagdaos kami ng mga seminar at pakikipagdiyalogo sa bawa’t isa.” 
“Samakatuwid ay mayroon kayong mga speakers o instructors?”
“Opo. Mayro’n po.”
“Ano po ang natutunan ninyo sa mga seminars?”
“Pinalawak at pinalalim—nilinaw at niliwanag ang tinatawag na Psychological Warfare, Political Warfare at Spiritual Warfare, na dati ay hindi ko pinaniniwalaan pero dahil sa tagumpay na ito ay sumasaludo ako sa mga speakers at instructors namin.” Pagmamalaki ni CAPT ROJANO.
Naintriga si Miss Klaren. “Hindi po bago sa akin ang Psychological Warfare at Political Warfare, pero ang Spiritual Warfare ay ngayon ko lamang narinig. Ano po ang itinuturo rito?”
“Kapag po sinabing spiritual ay alam natin na tungkol ito sa relihiyon. Tungkol sa Diyos. Pero ngayon ko lamang nalinawan at naliwanagan na wala palang dapat pagtalunan at pag-awayan. Ang itinuro sa amin ay kung paano magkakaisa ang mga tao sa Unawa, sa Wika, sa Gawa at Pananampalataya. Dito ay hindi pinag-uusapan kung ano at kung saang sekta ka kasapi. Ang tinutuklas dito ay ang karunungan ng Diyos sa hiwaga na hindi naituturo ng mga pastor at mga pari. Bawa’t katuwiran, paliwanag at paglilinaw ay nagmumula sa Bibliya lamang. Ito po ang naging isang malaking paktor kung bakit mabilis na dumami ang aming mga kasapi, hindi lamang mga unipormadong kawal kundi pati na mga sibilyan.” 
“Sinabi po ninyo kanina na hindi kayo magtatagumpay kung kayong mga sundalo lamang ang kumilos… pero bakit po ang gusto ninyong itawag sa inyong pagkilos ay Kawal Power? Ano po ang nais ninyong ipakahulugan sa Kawal Power?”
“Lakas at kapangyarihan ng mga kawal po. Pero ang katagang KAWAL ay naging isang akronimo na ang ibig sabihin ay Kapanalig ng Watawat at Lahi. Samakatuwid, sinomang kapanalig ng watawat at lahi ay karapat-dapat na tawaging KAWAL na ang sandata ay Katuwiran, Katapatan, Katarungan at Katotohanan.”
“Saan po kayo kumuha ng pondo sa ginawa ninyong pagkilos?”
“Normal na pagkilos lamang po ang aming ginawa, Miss Klaren, dahil wala namang dapat pagkagastusan kundi ang aming pagkain sa araw-araw na sinagot ng aming sariling subsistence allowance, at kung mayroon man pong mga donasyon, lahat ay nagmula sa mga kasapi ng Kawal Power.”
“Marami pa po akong nais itanong pero alam kong hindi ito ang tamang venue at oras. Congratulations po sa inyong tagumpay na tagumpay na rin ng buong bayan—maraming salamat po CAPT ROJANO, at sa iyo, Gretha.” Pansamantalang pamamaalam ni Miss Klaren.
Nagpatuloy si Gretha sa pagtatanong.
“Itutuloy pa rin po ba ninyo ang sinasabi ninyong pagsuko sa Chief of Staff?”
“Opo.” Wala pa ring pagbabago ang kasagutan ni CAPT ROJANO.
Hindi marating-rating ni Gretha ang konklusyon at punto na nais niyang marinig. Susulong ng bahagya, biglang uurong. Laging back to zero. Parang may napakalalim na balon ng mga sekreto na iniingatan ni CAPT ROJANO.
Napansin ni Gretha na nakatuon ang paningin ni CAPT ROJANO sa stage. May kausap si GEN STA ANA, na kilalang-kilalala niya. Ang kanyang bayaw. Si LTSG REXTER KING. 
Sa puntong ito ay bumalik sa alaala ni Gretha ang sinabi sa kanya ni Rexter na may isang CAPT ROJANO na kokontak sa kanya, at marami silang pag-uusapan. Ngayon ay napipiho niyang magkasama sa pagkilos ang mag-Mistah. 
“CAPT ROJANO, sir. “ Inagaw ni Gretha ang atensiyon ng kapitan at itinutok ang mikropono. “Maaari po bang malaman kung mayroon kayong mga adviser sa pagkilos ninyong ito?”
Nag-iba ang tono ng boses ni Gretha. May himig ng pagdaramdam. Sapagka’t mahigit kalahating oras silang nag-usap ni CAPT ROJANO, at siya pa nga mismo ang nagsadya sa safehouse nito pero hindi man lamang nabanggit ang pangalan ni LTSG KING. Maraming mga bagay ang inilihim pa rin sa kanya. 
“Mayro’n po.” Sagot ni CAPT ROJANO.
“Siya po ba ang sinusunod ninyo sa inyong mga desisyon, pati na sa inyong pagsasalita ngayon?” Bahagyang lumingon si Gretha sa kinaroroonan nina GEN STA ANA at LTSG KING na seryoso pa ring nag-uusap.
Naramdaman ni CAPT ROJANO na tila may sama ng loob si Gretha sa kanya kaya’t isang makahulugang tingin ang iginawad niya sa reporter, na tila nagsasabing ‘huwag kang mag-aalala, malalaman mo rin ang buong katotohanan’. 
“Malaki po ang nagawa at naging epekto ng pakikipag-usap ko sa isa sa aming Mistah na siyang nagbigay-liwanag sa aming mga kaisipan at paniniwala. Siya ang naging dahilan upang magbago ako ng pasiya, na sinang-ayunan ng aking mga kasamahan tungkol sa pag-aaklas namin.” Nanlaki uli ang mga mata ni Gretha at lalong nanabik. “S-sino po ang Mistah na inyong tinutukoy?” Nakatingin din si CAPT ROJANO sa kinaroroonan ni LTSG KING.
“Ano po ang kanyang branch of service. Ano ang ranggo, at nasaan siya ngayon?” Normal lang na isipin at hangarin ni Gretha na makilala rin ng buong bayan ang kanyang bayaw.
“Narito lang siya sa paligid na sumasaksi sa mga kaganapan, nguni’t dinaramdam kong hindi ko masasabi ang kanyang pangalan at iba pang detalye tungkol sa kanya. Hindi pa panahon. Sana ay maunawaan ito ng buong bayan.” Makahulugang tingin ang iginawad ni CAPT ROJANO kay Gretha.
“A-ano pa po ang ibang dahilan?” Follow-up question ni Gretha.
“Alam nating lahat, at nakatala na sa kasaysayan ng ating bansa, na, sa bawa’t pag-aaklas ng mga sundalo o ng mga sibilyan laban sa pamahalaan, kabiguan man o tagumpay ay apektado ang buong bayan, lalo na ang kapayapaan at ekonomiya. Sapagka’t pagkatapos ng kaguluhan ay ang pagbabalik sa simula. Lagi na lang tayong nagsisimula. Hindi tuloy tayo makausad sa pagsulong. Ayaw naming maging dahilan ng pagbabalik na naman sa simula.” Sinadyang ilihis ni CAPT ROJANO sa paksa ang kanyang mga sinabi na naunawaan naman ni Gretha.
Nakatutok lang ang mikropono sa bibig ni CAPT ROJANO. Hinihintay ni Gretha ang kasunod na sasabihin nito.
“Ngayon ay gusto naming bigyan ng pagkakataon ang bagong Chief of Staff, sa katauhan ni GEN VICTOR STA ANA na patunayan ang kanyang katapatan sa Sandatahang Lakas ng Bayan. Dalangin namin, inuulit ko, na sana’y hindi siya tumulad sa nagdaang mga Chief of Staff na ang pinaglilingkuran ay ang Presidente at ang maimpluwensiyang mga pulitiko at hindi ang mga mamamayan.”
Nahalinhan ng kasiglahan at kasiyahan ang mukha ni GEN STA ANA sa narinig na huling parirala ni CAPT ROJANO, na nakabalik na sa upuan, bitbit ang isang makapal na folder, na iniabot sa kanya ni LTSG KING na naglahong parang bula. 
Muling tumayo si GEN STA ANA. Tumayo rin ang Major Services Commanders at ang matataas na mga pinuno ng SLB. Sa isang sulok ng stage ay tila nagbibigay ng mahalagang instructions ang heneral. Pagbalik sa kani-kanyang upuan ay muling naglabasan ang kanilang mga cellphone at hindi na sila pinigil ng mga sundalong nakabantay sa kanila. 
Nagpatuloy si CAPT ROJANO sa pagsasalita.
“Ayaw naming maparagdag sa mga problemang hinaharap ngayon ng pamahalaan at ng buong sambayanan. Kung nabalitaan na ninyo ang tungkol sa paglutang ng The Third Kingdom, kinukumpirma po namin na ito’y totoo, kaya dito namin ilalaan ang aming puwersa.”
Lahat ng nakatutok sa mga telebisyon at mga radyo ay na shock sa ibinalita ni CAPT ROJANO dahil siya mismo ang kumumpirma na totoo ang The Third Kingdom.
Tumingin si Gretha sa kanyang relos. Alasais y medya na. Inilayo at in-off muna ang mikropono. Nag-usap sila ni CAPT ROJANO at pagkatapos ay dali-daling bumalik sa stage ng Grand Stand.
“Mga kababayan, ibinibigay po ng Kawal Power ang pagkakataon kay GEN VICTOR STA ANA upang magpahayag ng kanyang saloobin sa mga kaganapang ito, gayondin ang kung ano ang kanyang magiging kapasyahan na siyang pinaka-hinihintay ng mga kasundaluhan at ng buong bayan.” Nakatingin si Gretha kay GEN STA ANA.
Tumayo si GEN STA ANA. Pag-focus ng camera ay kitang-kita sa kanyang mukha ang hindi matingkalang kasiyahan at ibayong kasiglahan. 
“Salamat. Maraming salamat sa hindi ninyo pagbabago ng paniniwala at pagtitiwala sa akin.” 
Gumagaralgal ang boses ni GEN STA ANA. Bahagyang nanikip ang dibdib dahil sa pagpipigil sa damdaming nag-uutos sa kanyang mga mata na maglabas ng mga luha ng kagalakan. Sinikap munang pakalmahin ang sarili bago muling nagsalita.
“Sa pagtayo ko ngayon sa inyong harapan, pormal at opisyal ko pong sinasabi na sa oras na ito ay wala nang kapangyarihan ang pangulo ng bansang ito, sampu ng lahat ng mga halal at hinirang na mga pinuno, pang-lokal man o nasyunal. Dahil dito, pansamantalang pamumunuan at patatakbuhin ng Kawal Power ang lahat ng mga ahensiya at mga tanggapan hangga’t hindi ko binabago ang kautusan.”
Walang hindi nagulat.
“Military take-over na nga.” Ito ang laman ng hugong ng mga bulung-bulungan saan mang sulok ng bansa.
Nakakabinging katahimikan. Tila pati ang paghinga ng lahat ng nasa loob ng kampo ay pansamantalang natigil. Lahat ay naghihintay sa susunod na mga sasabihin ni GEN STA ANA.
Tumingin muna si GEN STA ANA kay CAPT ROJANO at saka inilibot ang mga mata sa lahat ng mga nasa loob ng kampo.
“Binabati ko kayo. Nagtagumpay kayo, at kasama ninyo ako sa inyong tagumpay!” Kasabay nito ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay na nakatikom ang kamao na naging hudyat upang magsigawan ang lahat sa buong kapuluan..”
“KAWAL POWER! KAWAL POWER! KAWAL POWER!”
Yumayanig ang buong kampo sa lakas ng dagundong ng mga tinig ng kagalakan.
“Naniniwala ako na sapat na ang mensahe ng Kawal Power upang tanggapin ng administrasyon ng pamahalaang ito na tapos na ang mga katiwalian, mga kasinungalingan, mga pagkukunwari at mga personal na interes, lalo na ang paggamit nila sa puwersa ng militar at ka-pulisan para sa kanilang kapakinabangan.”
Muling dumagundong at yumanig ang buong kapaligiran. Sa labas ng kampo ay parang tubig na umagos ang mga tao na nakiisa sa pagbubunyi matapos maunawaan at tanggapin ang pahayag ni CAPT ROJANO, na, sinomang Kapanalig ng Watawat at Lahi ay maituturing na isang KAWAL. May mga gustong sumugod sa kinaroroonan ng Pangulo nguni’t mapayapa silang pinigil ng nakapalibot na mga kasapi ng Kawal Power. 
Inspirado sa kanyang pagsasalita si GEN STA ANA. “Pinatutunayan ko na totoong lahat ang mga sinabi ni CAPT ROJANO. Ang pamahalaan ng gobyernong ito ay kontrolado na ng Kawal Power . Gayonman, walang military taker over na magaganap. Hindi ito ang solusyon sa kalutasan ng mga problemang kinakaharap ng buong sambayanan.
Kung hindi ito military take-over, bakit inalisan ng kapangyarihan ang Pangulo ng bansa, pati na ang mga halal at hinirang na mga pinuno? Ito ang tanong ng buong bayan.
Nagpatuloy si GEN STA ANA sa pagsasalita. “Hindi man ninyo maiparinig ang inyong mga tinig upang itanong ang nasa inyong mga puso, ay nakararating sa aking diwa ang inyong mga mensahe, kaya naman, aking sinasabi, bago ako magtapos sa aking pagsasalita ay muli kong papandayin at ibabalik sa dati ang bahay na nagiba.”
Bigla muling naghiyawan ang mga kawal sa buong kapuluan dahil naiintindihan nila kung ano ang ibig sabihin ni GEN STA ANA.” 
KAWAL POWER! KAWAL POWER! KAWAL POWER!
“Inuulit ko, nagtagumpay kayo. Nagtagumpay ang buong ‘bagong’ Sandatahang Lakas ng Bayan. Binabati ko kayo. Binabati kita, CAPT MARLON ROJANO at ang iyong mga kasamahan na bumuo ng Magdayao Group at ng SLB YOUNG OFFICERS FOR RESTORATION upang maging isang Kawal Power.”
Sabay-sabay na nagtayuan ang lahat ng nasa stage ng Grand Stand. Sabay-sabay ding naghiyawan ang mga sundalong nasa Parade Ground. Itinaas ang mga sandata. Walang mapaglagyan sa kaligayahan.

ITUTULOY
Posted: 26 August 2018/08 February 2019

See Translation
https://www.facebook.com/groups/ofwprincess/permalink/2251291771806105/

farao king queen  jocolor  afro
Back to top Go down
https://pecog.forumotion.com
 
Ika-8 Labas - HULING DIGMAAN
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Ika-5 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-6 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-7 Labas - HULING DIGMAAN
» Ika-9 Labas - HULING DIGMAAN
» UNANG LABAS - SYNOPSIS

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Welcome to PECOG Official Community Forum :: Wealth of The Nations Section :: SUNEP - Spiritual Unifier Neutralizer Equalizer Purifier-
Jump to: