Welcome to PECOG Official Community Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Welcome to PECOG Official Community Forum

Welcome to PECOG Official Community Forum
 
HomeEventsFB PageFB GroupPublicationsLatest imagesRegisterLog in

Welcome to PECOG Community Forum! Princess Elizabeth Chosen One Global or PECOG is 100% free of charge in joining our group. A NON-PROFITABLE organization basically for a NOBLE CAUSE; which is separate from the government, a private, voluntary self-governing organization/group-cored for the welfare of all OFWS' and INDIGENTS as well.

 

 Christians and Muslims Spiritual Universal Unity

Go down 
AuthorMessage
Admin
WebMaster
WebMaster
Admin


Posts : 23
Join date : 2019-02-06

Christians and Muslims Spiritual Universal Unity Empty
PostSubject: Christians and Muslims Spiritual Universal Unity   Christians and Muslims Spiritual Universal Unity Icon_minitimeFri Feb 22, 2019 2:44 pm

Christians and Muslims Spiritual Universal Unity Screen12

Christians and Muslims Spiritual Universal Unity

PAUNAWA:
Parami nang parami ang mga kababayang Muslim ang nakikiisa sa PRINCESS ELIZABETH THE CHOSEN ONE – GLOBAL (PECOG) at nagmamahal kay Princess Elizabeth Malyne Ruiz. Dahil dito, bilang Spiritual Unifier ng PECOG, nagpasiya ako na paminsan-minsan ay magpost ako ng mga artikulong may kinalaman sa pagkakaisa ng Christians and Muslims. Sayang po ang oras at pagkakataon na maipaalam sa lahat, hindi lamang para sa OFWs, na hindi lamang mga Kristiyano ang pinag-uukulan ng pagmamahal at pagmamalasakit ni Princess Elizabeth kundi ang lahat ng lahi, anoman ang relihiyon—sapagka’t ang tunay at totoong relihiyon ay PAG-IBIG.

===============================================
PATUNGO SA PAGKAKAISA NG MGA KRISTIYANO AT MUSLIM
==============================================
Sino sa mga Kristiyano, mula sa Santo Papa, Mga Obispo at mga Pari—Maging mga Pastor at mga Mangangaral ang PUMANSIN, ang NAGBIGAY HALAGA at TUMALIMA sa nakasulat na mga pahayag sa Bibliya tungkol sa pagkakaisa?:

“At wala na ako sa sanlibutan, at ang mga ito ay nasa sanlibutan, at ako’y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila’y MAGING ISA, na gaya naman natin.” (Juan 17:11)

“Upang silang lahat ay MAGING ISA; na gaya mo, Ama, sa akin,at ako’y sa iyo, na sila nama’y suma atin: upang ang sanlibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo. At ang kaluwalhatiang sa aki’y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y MAGING ISA, na GAYA NAMAN NATIN NA IISA. Ako’y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila’y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanlibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila’y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.” (Juan 17:21-23)

“HANGGANG SA ABUTIN NATING LAHAT ANG PAGKAKAISA NG PANANAMPALATAYA, at pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo:” (Efeso 4:13)

Sino sa mga sikat, kilala at mararangal na mga Kristiyano ang pumansin ng mga talatang ito? Mahigit nang DALAWANG LIBONG TAONg nakasulat ang mga ito. Mayroon bang nagpakaabala para pangunahan at pangasiwaan ang PAGKAKAISA? Ang lahat ay naging abala sa pagtatanggol at pagpaparami ng mga miyembro sa kanilang itinatag na religious organizations.

Sa panig ng mga Muslim, sino sa kanila ang nakaunawa sa sinasabi ng Propeta Muhammad na nakasulat sa Banal na Quran tungkol sa pagkakaisa:

Reference: THE QURAN
An English Translation of the Meaning of the Quran
Approved by The Supreme Sunni and Shii Councils
Of the Republic of Lebanon

Paragraph 5 Of the Introduction
“The Quran and Its Message”

Its basic principle of the UNITY OF MANKIND, which derives from the UNITY of ALLAH, has never ceased to inspire true revolutionary reformers with original and sublime ideas and ideals.

Napakatagal kong naghintay. Nagbaka-sakali akong magkaroon ng diyalogo, pag-aaral at kasunduan ang pamunuan ng Islam at Kristiyanismo para sa PAGKAKAISA nguni’t hindi dumating. Ang ibig sabihin, hindi nila alam kung paano magkkasundo…kung ano ang gagawin, kaya nanatili sila sa kanya-kanyang paniniwala.

Ngayon ay narito ako. Hindi ako Pari o Pastor o Imam. Dati akong sundalo ng Philippine Navy na naghanap at nanaliksik. Pinag-aralan ko kung ano ang problema ng sa mga nilalaman ng Quran at Bibliya, at narito, after 47 years, 1972-2019 ay nagcreate ako ng isang Column: CHRISTIANS AND MUSLIMS SPIRITUAL UNIVERSAL UNTIY.

Sisikapin kong makapaghatid ng mga karunungan, katuwiran at mga kaalaman para sa pagkakaisa at kapayapaan.

166
People Reached

53
Engagements

Boost Post
5 Comments
3 Shares

Rexel John Bonifacio Alvarez salamat sa mabuting intensyon at pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. madali magkaisa kung mag iibigan pero kung basbas po ng Diyos o Allah, ay dibale na lang hindi na lang ako susubaybay dito, pati pamahalaan ay bka mapaniwala na ang Diyos ay si Allah. in the name of Allah. nauunawaan ko naman po ganoon din ang RCC, o kaharian ni Apollo Quiboloy at marami pang iba na ginagamit din ang Biblia, pero magkakaiba pala ng kinikilalang Diyos.
Manage
LikeShow more reactions
• Reply • Message • 15h

SUNEP ALLAH in Arabic Language, GOD in English, DIYOS in Tagalog, DIOS in Kastila, DEUS in Latin, etc...Iba-ibang language, iba-katawagan. My objective is to UNITE the faith of Humandkind. Walang pumansin at walang gumagawa nito. Natural, marami ang magugulat. Malaya kayo kung ayaw na ninyong sumubaybay dito.

Rexel John Bonifacio Alvarez Allah po pala ang Dios n’yo ah? Bizmilah means in the name of Allah. pasensya na po kung magkakaiba tayo ng kinikilalang Dios. dapat isa lang ang Dios na kikilalanin kung sino totoong creator. pwede naman ang mga muslim ay maging kristiano.
Manage
LikeShow more reactions
• Reply • See Response • 19h

SUNEP The word Muslim means, mga taong naniniwala sa kapayapaan. Ang Islam naman ay LUBOS NA PAGPAPASAKOP SA KALOOBAN NG DIYOS/ALLAH. Ikaw, ayaw mo ba ng kapayapaan? Hindi ka ba nagpapasakop sa kalooban ng Diyos/Allah. Magresearch pa po kayo, sir. Huwag aga…See More
Manage
LikeShow more reactions
• Reply • 12m

Flores Anne Vegafria Alam niyo na po ba ito tungkol sa Islam?

Posted: 03 February 2019
https://www.facebook.com/groups/ofwprincess/permalink/2247937335474882/

queen queen queen
Back to top Go down
https://pecog.forumotion.com
 
Christians and Muslims Spiritual Universal Unity
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Welcome to PECOG Official Community Forum :: Wealth of The Nations Section :: SUNEP - Spiritual Unifier Neutralizer Equalizer Purifier-
Jump to: